Pinasalamatan ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa paglagda nito para maging ganap ng batas ang Department of Economy, Planning and Development (DepDev) na dating National Economic Development Authority (NEDA).
Si Salceda ang principal author ng Republic Act No. 12145 na layong gawin ang NEDA na isang full-fledged cabinet-level departments.
Dagdag pa ni Rep. Salceda mas malaki ang papel na gagampanan ng DepDEV partikular sa pangmatagalang pambansang pag-unlad.
Kaya naniniwala ito na nararapat lamang na itaas ang NEDA sa katayuan ng isang ganap na ahensya ng gabinete.
Sa ilalim ng bagong batas pinagsama sa isang batas ang lahat ng mga tungkulin ng Neda.
Ang bagong tatag na DepDev ay mas nakatutok gampanan ang sentral na papel nito sa paghubog ng mga patakarang pang-ekonomiya at panlipunan, pagbabalangkas at pagsubaybay sa mga plano tulad ng Philippine Development Plan, Regional Development Plans at Recovery and Resiliency Plans at iba pa.
Ang pag-angat ng Neda sa antas ng Gabinete, ay magpapahintulot din sa ahensya na “pagbutihin ang koordinasyon sa iba pang mga kagawaran ng ehekutibo at gampanan ang papel nito bilang pangunahing katawan ng pagpaplano at patakaran ng gobyerno.”
“As a former three-term RDC chair and area chair for Luzon, I can attest to how important the RDC is in making local plans and needs more visible in the national government planning process. It also allows great ideas in local development to be pursued across the decades and through changing local administrations,” pahayag ni Salceda.
Binigyang-diin ni Salceda, “We also operationalized Neda’s independence, in that it can provide economic advice to the President and to key decision-makers in government, unimpeded. When the government can think and plan long-term, it can pursue policies and projects with greater returns to the people than what is currently popular or convenient.”