-- Advertisements --

Hinimok ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang Climate Change Commission (CCC) at Department of Finance (DOF) na panatilihin ang karapatan ng Pilipinas sa murang enerhiya tungo sa pagsisikap sa decarbonization efforts ng gobyerno.

Ginawa ni Salceda ang pahayag kasunod ng pagtalakay sa tax provisions ng Unnumbered Substitute Bill tungo sa House Bills No.7705 at 10633 entitled “AN ACT PROMOTING INVESTMENTS IN LOW CARBON ECONOMY, ESTABLISHING FOR THIS PURPOSE A CARBON EMISSION PRICING FRAMEWORK AND IMPLEMENTATION MECHANISM TO ACHIEVE LOW CARBON AND RESILIENT ECONOMIC DEVELOPMENT.”

Ayon kay Salceda ang unang Asian co-chair ng United Nations’ Green Climate Fund (GCF),na ang dalawang pinagsamang panukala ay nagbibigay ng karapatan sa atin para sa isang abot kayang enerhiya.

Binanggit ni Salceda ang Article 3 ng Paris Agreement, na nagsasaad na ang mga climate obligations sa pagitan ng mga umuunlad at maunlad na bansa ay dapat “batay sa pagkakapantay pantay at alinsunod sa kanilang mga responsibilidad at kani kanilang kakayahan” at ang Article 4, na nagsasaad na “ang pag unlad ng ekonomiya at lipunan at pag aalis ng kahirapan ay ang una at higit na mga prayoridad ng mga developing country Parties.”

Ipinahayag ni Salceda ang kanyang paninindigan na hindi dapat dumating sa punto na ang mga pagsisikap na i decarbonize ang ekonomiya ng Pilipinas sa kapinsalaan.

Sa sandaling tuluyan ng mag decarbonized ang bansa maaring nasa P18 kada kilowatt ng kuryente ang babayaran ng mga Filipino consumers.

Nagpahayag din si Salceda ng mga alalahanin tungkol sa mga insentibo sa buwis at pondo ng pamahalaan na ginugol sa mga pagsisikap sa decarbonization nang walang counterpart climate financing mula sa mga maunlad na bansa.

“Ni singkong duling, dapat walang bayaran ang mga Pinoy, dahil tayo ang biktima.Kaya bawat decarbonization, dapat binabayaran ka. ‘Yun ang entire Paris Agreement.

Nagbigay pugay din si Salceda sa mga Pilipino “na nanguna sa negosasyon sa klima,” na nagsabing ang UN Green Climate Fund ay ipinaglaban ni Ambassador Bernarditas Muller at ang prinsipyo ng pagkawala at pinsala, na lumikha ng Loss and Damage Fund na pinangasiwaan ng Pilipinas ay ipinaglaban ng CCC tapped expert na si Baby Supetran.