Binalaan ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda ang pamunuan ng Maharlika Investment Fund (MIF) na huwag ituloy ang deal nito sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) hanggat hind nito nababayaran ang nasa P200 billion disallowed expenses.
Paliwanag ni Salceda ang papasuking deal sa pagitan ng Maharlika at NGCP ay hakbang para gawing lehitimo ang kanilang aksiyon na “disadvantageous” sa mga tao at gawin ang state investment fund “co-liable” sa kanilang P200 billion disallowed expenses.
Nakatakda namang maglabas ng desisyon ang Energy Regulatory Commission (ERC) hinggil sa nasabing usapin.
” Maharlika investing into the NGCP before it completes that refund would make the Fund co-liable to the public for the raw deal we got out of these disallowed expenses,” pahayag ni Rep.Salceda.
Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas na karamihan sa mga expenses ay nailagay sa advertising at iba pang gastusin na wala sa core business ng NGCP.
Giit ni Salceda gayong mayruon ng monoploy hndi na kailangan pa magpa advertise nito.
Sinabi ng Kongresista ang gagawing investment bago ang refund ay magdudulot ng overprices sa shares ng NGCP.
” It would perpetrate the already very sweet deal obtained by the NGCP in terms of its franchise tax rate which is lower than the standard 5% and the concession fee which was pegged at a very low Php to USD conversion rate of about P43 to the dollar,” dagdag pa ng Kongresista.
Binigyang-diin ni Salceda,” Investing in the NGCP without taking into account the risk of equity reduction due to the probably refund would be a clear violation of Maharlika’s risk management principles under RA 11954.”
Giit ni Salceda binabalangkas na ng House Technical Working Group ang panukalang batas hinggil dito.
Sinabi ni Salceda na habang dini desisyunan pa ng ERC ang isyu sa ngayon maituturing itong “raw deal.”
Nakatakda magsagawa ng pagdinig ang house tax panel sa koleksiyon ng NGCP franchise tax at ang implementasyon ng ERC Resolution No 10 series of 2023 na pumipigil sa franchise tax na maipasa sa mga consumers.