Hindi na ang bigas ang nakikitang problema sa pagtaas ng inflation kundi ang produktong mais.
Ito ang inihayag ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda kasunod ng muling pagtaas ng inflation sa buwan ng July na pumalo sa 4.4%.
Sinabi ni Salceda ang problema sa bigas ay naibsan na at ang presyo nito ay patuloy na bumababa lalo at marami pang mga stocks ng bigas ang darating sa bansa mula sa India at Vietnam.
Binigyang-diin ni Salceda may umuusbong na isyu sa pagkain na dapat harapin at ito ay ang mais dahil may momentum sa presyo.
Una ng inihayag ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na kanilang sinusubaybayan ang presyo ng mais kaya may ginanagawa na silang intervention para hindi na sisirit ang presyo.
Dagdag pa ni Salceda, sa 5.8 porsyento na buwan-sa-buwan na inflation, ang mga presyo ng mais ay isang dahilan para bigyang pansin.
Ipinunto ni Salceda ang problema sa mais sa kabila ng mababang presyo sa international market, ang domestic livestock, poultry at dairy sector ay hindi nag rerely sa imported corn o mais dahil hindi ito masustansiya.
Batay sa pagtaya ni Salceda dahil dito posibleng tataas na naman ang presyo ng mga poultry products, subalit luluwag naman ito sa buwan ng Agosto hanggang sa 12% mula sa July peak.
Bukod sa mais, ang isa pang isyu ay ang presyo ng kuryente, subalit inaasahan naman ni Salceda na bababa ito sa susunod n mga buwan.