Naniniwala si House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na imbes isulong ng Philhealth ang premium rate cut, itaas na lamang ang benefits package para sa mga miyembro.
Reaksiyon ito ni Salceda hinggil sa panukala ng state insurer na bawasan ang premium rate.
Inihayag ni Philhealth President Emmanuel Ledesma na kaniyang irerekumenda kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., na bawasan ang Philhealth contribution Premium Rates
Binigyang-diin ni Salceda na kahit ipanukala ang pag withdraw sa excess funds ng National Government, batay sa pagtaya ng Department of Finance (DOF) mayruon pa ring P500 billion excess funds ang Philhealth.
Sinabi ni Salceda na batay sa kaniyang pagtaya nangangailangan pa rin tayo ng nasa P1.8 trillion na pondo para mapondohan ang mga catastrophic health needs,partikular sa mga Senior Citizens.
” Assuming a fund life of three years, the excess funds can already finance around 10 percent of catastrophic health care needs,” pahayag ni Salceda.
Ayon kay Salceda na kaniyang hihilingin sa Philhealth na magsumite ng plano sa paggastos nila ng kanilang excess funds para mapabuti ang benefits package sa mga miyembro at pabilisin ang pagbayad sa mga overdue payments nila.
Siniguro naman ng Bicolano lawmaker na sa budget deliberation ngayong taon, sisiguraduhin nito na mag-infuse ng subsidies sa Philhealth.
” This year, government simply took the most efficient option of financing the budget with funds it does not need to pay interest for,” pahayag ni Rep. Salceda.