Isang magandang senyales ang “rice tarrification cuts” para maging stable ang presyo ng bigas sa merkado.
Ito ang inihayag ni House Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda.
” It’s good signaling for price stability. Of course, if global conditions change, it is within his power to adjust these tariffs,” pahayag ni Salceda.
Paliwanag ng ekonomistang mambabatas na batay sa kasalukuyang kondisyon ng inflation na kinakailangan ng mga hakbang lalo na sa kaso ng bigas na isa sa pinakalamaking determinant sa inflation lalo na sa mga kababayan nating mahihirap.
Binigyang-diin ni Salceda na nasa tamang direksiyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang ginawa nitong hakbang.
Dagdag pa ni Salceda, dapat din palakasin ang mga pagsisikap na makapaghatid ng suporta sa domestic sector sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund, na lumubog na sa humigit-kumulang P30 bilyon sa isang taon.
Inihayag pa ni Salceda na ang Kamara sa ilalim ni Speaker Romualdez ay sumulong na sa mga pag-amyenda nito sa Rice Tariffication Law, para gawing mas tumutugon ang RCEF sa mga pangangailangan ng domestic rice sector, at ibalik ang mga pangunahing kapangyarihan ng NFA para gawing available ang murang bigas sa mahihirap.