-- Advertisements --
Tiniyak ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang patuloy na pamamahagi ng tulong sa mga residente ng Albay na lubhang naapektuhan ng Severe Tropical Storm Kristine.
Namahagi ng tulong si Salceda sa Barangay San Francisco sa Guinobatan, Albay.
Pinatitiyak ng Kongresista na bawat pamilya sa nasabing barangay ay makakatanggap ng relief goods.
House-to-house ang isinagawang pamamahagi ng tulong.
Dahil sa hagupit ni “Kristine” nasa 105,846 pamilya o katumbas ng 410,288 katao ang naapektuhan.