Umaasa si House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda na mabilis din maaprubahan sa Senado ang prangkisa ng Meralco.
Ito’y matapos lusot na sa Kamara ang 25-year franchise ng Mercalco sa ikatlo at huling pagbasa.
Sinabi ni Salceda MERALCO ay isang halimbawa kung paano ang pagiging maaasahan ng serbisyo ay maaaring lumikha ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya.
Batay sa mga pagtatantya mula sa PSA input-output tables at data mula sa ERC sa mga outages o pagkawala ng kuryente dahil sa supply ng kuryente ng mga distribution utilities, ang bansa ay magkakaroon ng net gross value added na P204.29 bilyon bawat taon kung ang lahat ng mga coop at utility nito ay gumanap tulad ng Meralco.
Sinabi niSalcedo ito ay bunga ng humigit-kumulang P220 bilyong ininvest ng MERALCO para sa pagbabawas ng mga pagkalugi sa systm losses at system interruption.
Dahil dito sinabi ni Salceda na hindi na nakapagtataka na umabot sa 40 lokalidad ang humiling sa MERALCO na sakupin sila.
Nakumpleto na rin ng Meralco ang mga rules and issuances na hinihingi ng ERC.
Nasa P48.3 bilyon din ang mga refund ng consumer na ang naipamahagi.
Sinabi ni Salceda na tulad ng paulit-ulit niyang iginigiit na ang papel ng proseso ng pagsusuri ng prangkisa sa Kongreso ay upang makita kung ang isang grantee ay sumunod sa mga mandato nito.
Sa ngayon natupad na ng Meralco ang pagtatapos nito sa kasalukuyang batas ng prangkisa.
” As I repeatedly assert, the role of the franchise review process in Congress is to see whether a grantee has complied with its mandates. In this regard, there can be little question. MERALCO has fulfilled its end of the current franchise law,” pahayag ni Salceda.