-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang sales agent matapos pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang bikima na si alyas Jeison, 35-anyos, residente ng Brgy Pahinga Sur, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ng isang Convenience Store sa may bahagi ng Maharlika Highway, Brgy Malabanban Norte, Candelaria, Quezon ang biktima na nasa impluwensiya ng alak ng magkaroon ito ng mainit na argumento sa hindi pa nakikilalang suspek na nagresulta sa pamamaril ni alyas Jeison.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan ang biktima na kaagad naman na dinala sa ospital para sa asistensiya medikal pero idineklara rin na dead on arrival ng mga doktor.

Samantala, kaagad naman na tumakas ang suspek sa hindi pa malaman na deriksyon.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pag-alam sa pagkakakilanlan ng suspek at kinaroroonan nito.