-- Advertisements --
OXFORD ENGLISH DICTIONARY
Oxford English dictionary

Isinama ng Oxford English Dictionary ang ilang mga salitang Pinoy sa kanilang pangatlo at pinakahuling edisyon.

Ilan sa mga salitang naisama ay ang trapo, kilig, bongga, Overseas Filipino Worker (OFW), pan de sal, Kikay kit, halo-halo, despidida at gimmick.

Itinuturing na ang Oxford English Dictionary ay isa sa pinakamatagal ng language research project sa mundo.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na naisama ang salitang Filipino sa nasabing diksyonaryo dahil noong nakaraang mga taon ay naisama na ang ibang mga salita.