Napili ng Oxford Dictionary bilang word of the year ang salitang “rizz” bilang word of the year.
Ito ay mula sa salitang “charisma” na ang ibig sabihin ay ang kakayahan ng isang tao na makaakit dahil sa kaniyang istilo at kagandahang anyo.
Ayon sa Oxford University Press na nakatanggap ng mahigit na 32,000 na boto ang nasabing salita.
Sumikat ang nasabing salita sa unang bahagi ng 2023 sa panayam kay Spider-Man actor Tom Holland kung ano ang sekreto ng kaniyang rizz at sagot nito ay wala itong rizz at limitado lamang ang kaniyang rizz.
Ang nasabing salita din aniya ay maaring magamit bilang pandiwa (verb) sa parirala o phrase na “rizz up” o ibig sabihin na akitin o kausapin ang isang tao.
Ilan sa mga finalist na nasa listahan ay ang mga salitang “prompt” na kautusan na ibinibigay sa artificial intelligence program; “situationship” na ibig sabihin ay romantic partnership na
maikokonsiderang pormal at “Swiftie” na pangalan galing sa mga fans ni Taylor Swift.
Magugunitang noong 2022 napili ng Oxford bilang salita ng taon ang “Goblin mode” na ibig sabihin ay tamad o inaayawan ang social norms na tinatawag.