Pinangalanan na ngayon ang Salt Lake City sa estado ng Utah bilang susunod na host ng 2023 NBA All-Star Game.
Ito ay eksaktong 30 taon matapos na huling i-host ng siyudad, na baluwarte ng Jazz, ang nasabing event.
Sa pahayag ni NBA Commissioner Adam Silver, gaganapin ang 72nd NBA All-Star Game sa Vivint Smart Home Arena sa Pebrero 19, 2020 (Pebrero 20 sa Maynila).
Una na ring naging host ang Salt Lake City ng NBA Finals at 2002 Winter Olympics.
“Along with a rich basketball tradition, Salt Lake City has proven to be a world-class destination for large-scale events and sports competitions,” wika ni Silver.
Sa 1993 All-Star Game kung saan naging host ang Salt Lake City, tinalo ng Western Conference ang East, 135-132, sa overtime kung kailan din itinanghal ang Jazz teammates Karl Malone at John Stockton bilang unang duo mula sa iisang team na naghati sa All-Star Most Valuable Player award.
Maliban dito, sa Salt Lake City din ginanap ang 1973 American Basketball Association All-Star Game, tampok si NBA star Julius Erving.