-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nakapagdesisyon na ang mga residente ng Brgy. Kahusay Barangay Manuel Guianga Tugbok District sa Davao City na ipapasara na ang Salugpongan Tatanu Igkanugon Community Learning Center na itinayo sa kanilang lugar at babawiin rin ang ancestral domain.

Layunin ng mga residente sa lugar na iendorso na lamang ito sa gobyerno para ito ang magtayo ng mga silid aralan na accredited ng Department of Educationa (DepEd).

Una nang sinabi ng Clan leader na si Danny Diarog na natuto na ang mga residente sa kanilang lugar na walang magandang idudulot sa mga kabataan sa kanilang lugar ang mga itinuturo sa Salugpongan schools na magalit sa gobyerno na kanilang itinanim sa isipan ng mga estudyante.

Mismong ang mga residente na rin sa lugar ang humiling ngayon sa DepEd na magtayo ng paaralan sa kanilang lugar.

Samantalang sinabi naman ni Jenelito Dodong Atillo, tagapagsalita ng DepEd Region 11 na kung magtatayo sila ng paaralan sa nasabing lugar, isa itong integrated school kung saan pag-iisahin na lamang ang elementary at secondary.