-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patuloy na kinilala ng otoridad ang isang bangkay na natagpuang nagpalutang-lutang kahapon sa karagatan ng Malalag, Davao Del Sur at Sta. Maria, Davao Occidental.

Maalalang nabulabog ang mga mangingisda matapos mamataan ang isang bangkay na palutang-lutang sa Colagsing Dura, Sitio Sulok, Brgy. Tanglad, Sta. Maria, Davao Occidental.

Tinatayang nasa 5’4 ang tangkad ng biktima na may markang “x” sa baba ng kanyang kaliwang mata, suot ang short na itim at kulay grey ang t-shirt.

Nakatali ang kamay sa likod at gayon din ang mga paa habang naka duct tape naman ang bibig ng biktima. Nadiskubre rin ng Coast Guard ang garbage bag na may lamang bato na ginawang pampabigat sa katawan ng biktima.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima at ang ang nasa likod ng pamamaslang.