Ongoing na sa ngayon ang salvaging operation para marekober ang lumubog na fishing vessel ang FB Gimver 1 sa may bahagi ng Recto Bank sa West Philippine Sea.
Ito’y matapos banggain ng Chinese fishing vessel gabi noong June 9, 2019.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Western Command spokesperson Lt Col. Stephen Penetrante, tumutulong na ngayon ang barko ng Philippine Navy (PN) sa isinasagawang salvaging operations para marekober ang lumubog na fishing vessel.
Tumutulong na rin ang mga divers ng Joint Task Force West na kaagad rumisponde ng mabatid ang insidente.
Sinabi ni Penetrante wala naman silang itinakdang timetable sa pagrekober sa lumubog na fishing boat.
Ang ginagawang salvaging operations ay may koordinasyon sa may-ari na si Jose Dela Torre ng San Jose, Oriental Mindoro.
Nasa area din ngayon ang BRP Ramon Alcaraz na tumutulong din sa operasyon.
Una ng sinabi ni Penetrante na nagpapatuloy na rin ang pag dokumento sa insidente kung saan kinukuhanan na rin ng pahayag ang 22 Filipinong mangingisda.
Na iniwan at inabandona ng Chinese vessel matapos banggain ang fishing boat ng mga Pinoy na mangingisda.