-- Advertisements --

Inamin ni Samuel Lloyd Lacia Milby sa isang panayam na gusto niya paring magka-anak matapos tanungin ni Boy Abunda kung ano ang pangarap ng binata ngayong nasa edad 40 na siya.

Huminga muna ng malalim ang aktor at sinabing ‘I still dream of having a family, im 40.’

Sabi pa ni Sam na My dad….baka maging kagaya ng dad ko, he was 49 when I was born. Nu’ng pinanganak ako. That’s not my ideal age (to get married). Nu’ng dati sa mga interview ko palagi kong sinasabi na gusto kong maging dad mga 35 (years old).’

Bukod dito, sinabi pa ni Sam na karamihan aniya sa mga kaibagan nito ay may asawa at anak na.

‘The sad truth is you can make so many plans in life, ideal age but life doesn’t always happening the way you want it to and that’s something always hard to accept and I accept that I’m 40 and I think mahirap tanggapin because mga ibang kaibigan ko karamihan may asawa’t anak na.’

Ngunit hindi naman inaalis ni Sam ang dahilan na lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang buhay kung saan tanggap nito ang sitwasyon na hindi pa aniya naka plano sa kaniya ang gusto niyang mangyari.

‘Everyone has their own journey and you have to accept that and I’m also on my own journey and it’s not the plans and the way I was hoping would go but I accept that I and understand that I’m on my own journey,’ ani Sam.

Dagdag pa ng aktor na pressured siya mag kaanak dahil gustong-gusto nito maipasa ang apelido nitong ‘Milby’ na ayon sa aktor ay hindi common na apelido.

Hindi rin kinokonsidera ng aktor na magkanak muna bago ang pagpapakasal.

‘I feel the pressure honestly because my last name Milby. It’s not a common last name, I’m the last person to carry on in my family. May dalawang half-brothers never silang nagkaanak, my sister (Ada) obviously doesn’t carry the name, so, I feel kinda the pressure to carry on the Milby name,’ sabi ni Sam.

Samantala napahagulgol naman si Sam matapos balikan ang hiwalayan nila ni Miss universe 2018 Catriona Gray kung saan aminado itong nakaapekto sa kaniya ang hiwalayan nila ni Catriona.

‘Honestly, not well,’ pag-amin ni Sam.

‘It’s been rough. No break-up is easy and it’s really been rough. I mean, it wasn’t only mag-boyfriend-girlfriend kami, we were engaged. And to have that not pushed through, it’s been really rough, honestly,’ dagdag ng aktor.

Habang umiiyak ay sinabi ng aktor na hindi naging madali para sa kaniya ang lahat at hiniling na ayaw niya munang pag-usapan pa ang mga detalye sa kanilang hiwalayan ng dating beauty queen.

‘I’m not an emotional person. That’s why it’s…I don’t wanna go into details and the more you talk about any issue, mas maraming bala ‘yung mga tao to use against you,’ sabi pa ni Sam.