-- Advertisements --
Kinumpirma ng actor na si Sam Milby na hiwalay na sila ng nobyang si Catriona Gray.
Sinabi ng actor na halos isang taon na silang hiwalay ng Miss Universe 2018.
Naging engaged ang dalawa noong 2023 subalit noong nakaraang taon ay napansin ng mga fans nila na tinangal ni Catriona sa social media account nito ang naganap na engagement.
Paliwanag naman ng actor na naging magkaibigan pa rin sila pero hindi na sila nagsasama ngayon.
Hindi naman nito binanggit ang dahilan o kung ano ang sanhi ng kanilang hiwalayan.
Naging pribado aniya ang kanilang relasyon kaya madalang nila ito ibahagi sa kanilang fans.
Huling nakitang magkasama ang dalawa ay sa concert ni TJ Moterde kung saan magkalayo ang kanilang upuan at naging emosyonal din si Cat.