-- Advertisements --

Nagluluksa ngayon ang actor na si Sam Milby dahi sa pagpanaw ng ama nito na si Lloyd William Milby sa edad 86.

Sa kaniyang Instagram ay nag-post ito ng larawan habang hawak nito ang kamay ng yumaong ama.

Nagtungo pa ito sa Ohio kung saan nakapiling niya ang ama sa mga huling sandali nito.

Noong Enero 2020 ng ibinahagi ng actor sa kaniyang social media ang pagbisita nito sa kanila sa Ohio.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kasamahan nito sa showbiz.