-- Advertisements --

Aminado si Samantha Panlilio ng Cavite na siya ay “heartbroken” matapos ang bigong Miss Grand International bid nitong weekend sa Thailand.

Ayon kay Samantha, ito’y kahit pa nagpapasalamat siya sa oportunidad at ang mahalaga ay ginawa niya naman ang kanyang “best.”

Nabatid na hindi na agad siya nakapasok sa Top 20 sa kabila ng standout performances mula sa kanyang paru-paro national costume kung saan siya ay pasok sa Top 10, habang nasa Top 5 naman ng Best in Swimsuit fan vote round.

“Thank you all for the love and support. I am completely heartbroken but I know that I did my best and that’s all that matters. I feel nothing but grateful. My heart is warm 🙏🏼❤️” saad ng 25-year-old Cavite beauty.

Si Samantha ay isinilang sa Pilipinas pero sa Amerika pansamantalang nanirahan habang nag-aaral.

Kung maaalala, abot kamay na ng kanyang predecessor na si Samantha Bernardo ang una sanang Miss Grand International sa bansa sa pagiging first runner-up noong nakaraang taon.