-- Advertisements --
Masayang inanunsiyo ng actress na si Sam Pinto na engaged na ito sa basketbolistang nobyo na si Anthony Semerad.
Sa kaniyang Instagram account ay nagpost ito ng larawan nilang dalawa.
Ayon sa actress na noon ang Agosto ay isinagawa ng nobyo ang proposal habang sila ay nakabakasyon sa Australia.
Itinakda sa 2021 ang kasal ng dalawa dahil sa patatapusin muna ang kasal ng kambal ni Semerad na si David sa actress na si Gwen Zamora na kamakailan ay nagsilang na.