-- Advertisements --
Ibinunyag ng actress na si Sam Pinto na itinakbo sa pagamutan ang kaniyang asawang si Anthony Semerad.
Dinapuan kasi ng dengue ang asawa matapos ang pagbisita nito sa bansang Japan.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya na dinapuan ng dengue ang asawa noong ito ay nasa Maynila.
Sumailalim ito sa COVID test subalit negatibo hanggang ng dalhin na siya sa pagamutan at doon nakumpirma na ito ay may dengue.
Kasalukuyang nagpapalakas ang asawa sa pagamutan kung saan patuloy ang paggaling nito.
Ikinasal ang dalawa noong Marso 2021 at sa buwan ng Setyembre ng taon din iyon ay isinilang ang anak nilang panganay na si Mia.