-- Advertisements --

Inanunsiyo ng sexy actress na si Sam Pinto ang kaniyang pagbubuntis.

Sa kaniyang Instagram ay nagpost ito ng larawan ng sonogram ng baby.

Agad naman na ni-repost ng asawa nitong si Anthony Semerand ang IG post ng asawa kung saan may caption pa ito ng kasabikan nito sa pagiging ama.

Agad naman na binati sila ng mga kaanak at kaibigan kung saan unang-una na bumati ay ang kambal ni Anthony na si David John Semerad.

Noong Marso 2021 ng ikasal ang dalawa matapos ang kanilang engagement noong November 2019.