-- Advertisements --
Inireklamo sa Manila City Prosecutors Office ni tv host Sam Versoza ng kasong cyberlibel si Atty. Star Elamparo.
Nagmula ang kaso sa ulat ni Elamparo na nandaya umano si Versoza at nobya nitong si Rhian Ramos sa sinalihan nilang marathon sa New York.
Giit ni Versoza na ayaw na niya itong patulan subalit kailangan na tumayo ito para labanan ang pagpapakalat ng mga pekeng balita.
Maraming mga fans at supporters nito ang nag-udyok sa kaniya na tuluyang sampahan ng kaso ang kolumnista.
Nanindigan naman si Elamparo na mayroong katotohanan ang kaniyang isinulat na balit at hindi ito imbento lamang.