-- Advertisements --

DIPOLOG CITY – Naglunsad ng libreng counseling at konsultasyon ang Philippine Counseling and Guidance Association Inc. (PGCA)-Dipolog, Zamboanga del Norte Chapter para magbigay ng mental health at psychosocial support sa mga taong nangangailangan nito ngayong may coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Layunin umano ng grupo na makapabigay ng libreng serbisyo hindi lamang sa mga fronliners kundi pati na rin sa mga ordinaryong mamamayan na nakakaranas ng lubhang stress, anxiety, depression at iba pa na may kaugnayan sa mental health ngayong may krisis sa pamamagitan ng online consultation.

Ang PGCA ay grupo ng mga volunteer licensed guidance counselor, registered psychometrician at mental health advocates.

Siniguro naman ng grupo na ang counseling session na gagawin online ay mananatiling confidential at pribado.