Iminungkahi ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura na gawing kalihim ng Department of Agriculture si Senator Imee Marcos na kapatid ng kasalukuyang DA Secretary na si Pangulong Ferdinand ‘BongBong Marcos.
Ayon sa grupo, maaring maupo bilang kalihim si Senator Imee Marcos dahil sa hardwork umano nito sa pagtulong sa sektor ng agrikultura.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na isang agriculture expert ang papalit sa kanya bilang Department of Agriculture secretary.
Samantala, sa isyu pa rin ng sibuyas, ginagamit umano ito bilang pambayad sa mga bilihin na nagkakahalaga ng P88 pababa sa isang tindahan sa Quezon City.
Matatandaan kasi noong Enero, nagbigay ang Department of Agriculture ng berdeng ilaw para sa pag-aangkat ng 21,060 metrikong tonelada ng sibuyas upang punan ang kakulangan sa suplay at mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa merkado.