-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN -Nananawagan ang Samahang Industriya ng Agrikultura na huwag hayaang ibaba ang taripa para sa kapakanan ng mga magsasaka
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr Rosendo So, Chairman ng nasabing samahan, huwag sumang-ayon sa kagustuhan ni Department of Finance Secretary Benjamin E. Diokno at National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na ibaba ang taripa sa sektor ng agrikultura.

Aniya, kung tatanggalin ang taripa mula sa 35 percent at ibaba sa 10% ay mawawalan ang sektor partikular na ang palay ng 33.5 billion na koleksyon ng taripa.

Giit nito na ang high end premium rice ay hindi naman pumupunta sa merkado at hindi makakatulong sa mga magsasaka at mga consumer.
Binigyang diin pa ni So, na kung ibababa ang taripa ay hindi kikita ang mga magsasaka at may posibilidad na hindi na sila magtanim pa.

Kaugnay nito, sinang ayunan niya ang sinabi ni President Bongbong Marcos na tulungan ang mga magsasaka nang sa gayon ay mas dumami pa at madagdagan pa ang lokal na produksyon sa bansa.

Samantala, nag tanungin naman aniya ang National Economic and Development Authority at Department of Finance kung bakit nais nilang ibaba ang taripa, wala aniya itong mga konretong sagot at pawang ang sagot na inflation lamang ang kanilang inilulusot.