-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN-Pinabulaanan ng Samahang Industriya ng Agrikultura ang inilabas na datos ng Philippine Statistics Authority na nagpapakitang sumipa ang inflation rate ng bigas.

Ayon kay Engr. Rosendo So, Chairman ng nasabing samahan, ang inilabas na datos ng ahensya ay hindi lamang naka-sentro sa Well-Milled Rice at Regular Milled Rice kundi isinama pati ang Special at premium Rice kung kaya’t gano’n na lamang ang lumabas na resulta nito.

Kung titignan rin aniya, sumipa rin ang world market price sa 700 dollars kada metriko tonelada ng bigas.

Giit naman ni So, malaking epekto ang isinagawa ni President Ferndinand Marcos Jr na Price Cap sa bansa dahil bumaba ang presyo ng bigas sa Thailand ng $40, lumalabas na ibinaba rin nila ang kanilang presyo sa kung ano lamang ang kayang ibigay ng bansa.

Kaugnay nito, bumaba na rin ang presyo ng mga iniimport na bigas sa ibayong dagat na mula $680 hanggang $700 ay naging $580 dollars pna lang ito kada metrikong tonelada.

Apektado sa nasabing paggalaw ng presyo ang Premium Rice at Special Rice na inaasahang bababa rin ang presyo nito sa merkado.

Sa kabuoan, sinabi ni So na ang inflation ngayong taon ay mas bumaba sa 6.1% kung ikukumpara nakaraang taon na umabot sa 6.9%.