-- Advertisements --

ILOILO CITY – Kampante si Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella na malaki ang tyansa ng Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz na makuha ang gold medal sa 55-kg class competition sa 2020 Tokyo Olympics.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Puentevella, sinabi nito na handa at pursigido si Diaz na madagdagan pa ang kanyang medalya kung saan noong 2016 Rio de Janeiro Olympic, nakasungkit ito ng silver medal.

Ayon kay Puentevella, beterana na sa weightlifting si Diaz kung saan ika-apat na appearance na niya ito sa Olympic Summer Games.

Maliban kay Diaz, pinuri rin ni Puentevella ang tubong Cebu City at promising weightlifter na si Elreen Ann Ando na sasabak rin sa 64 kg category.