-- Advertisements --

Dumating na sa Thailand si Pinay beauty queen Samantha Panlilio.

Si Panlilio kasi ang pambato ng bansa sa Miss Grand International pageant.

Sa kaniyang Instagram account ay nagpost ito ng video pagdating sa paliparan ng Thailand.

Gaganapin ang pageant sa darating na Disyembre 4 sa Bangkok.

Magugunitang nakuha ni Samantha ang Binibining Pilipinas Grand International title noong Hulyo habang ang pambato ng Masbate na si Hannah Arnold ay nagwagi bilang Miss World International Philippines 2021.