Tatlong araw bago ang Miss Grand International coronation, mas umingay pa ang pangalan ng pambato ng Pilipinas sa pre-pageant activities ng Miss Grand International sa Thailand.
Ito’y kasunod ng national costume competition kahapon kung saan rumampa ang Cavite beauty na si Samantha Panlilio bilang paru-paro.
Suot ni Sam ang isang hand-beaded golden outfit at leg straps na siyang pares ng dambuhalang kulay puting pakpak at headdress.
Gawa ito ng mga Pinoy designers na sina Louis Pangilinan at Santino Rivera na hinango sa Paruparo Festival sa DasmariƱas, Cavite.
Ang 25-anyos na si Samantha ay isinilang sa Pilipinas pero sa Amerika pansamantalang nanirahan habang nag-aaral.
Una nang nakapasok sa Top 5 ng Best in Swimsuit fan vote round, kasama ang Miss Vietnam, Cambodia, Indonesia, at Guatemala.
Tatangkaing masungkit ni Panlilio ang unang Miss Grand International crown ng bansa sa grand coronation sa darating na December 4 sa Thailand.
Kung maaalala, abot kamay na ng kanyang predecessor na si Samantha Bernardo ang Miss Grand International 2020 title sa pagiging first runner-up.