TACLOBAN CITY – Ipinasususpinde ng Office of the Ombudsman ang alkalde ng Guiuan, Eastern Samar at ilang kapwa opisyal nito matapos ireklamo ng umano’y maling paggamit ng pondo para sa post-rehabilitation ng bagyong Yolanda.
Batay sa nilagdaang order ni Ombudsman Samuel Martires, nakakita ang anti-graft body ng sapat na bashehan para ipasuspinde si Mayor Christopher Sheen Gonzales ng anim na buwan.
Bukod sa alkalde, pinasusupinde rin ng tanggapan sina municipal accountant Adrian Bernardo; municipal treasurer Felicisima Bernardo; Bids and Awards Committee (BAC) chair at municipal engineer Arsenio Salamida; BAC vice chair Esperanza Cortin, at BAC members na sina Danilo Colandog, Gilberto Labicante, Ma. Nenita Ecleo, Felipe Padual at Zosimo Macabasag.
Kasong grave misconduct and gross neglect of duty ang inihain na kaso laban sa mga opisyal.
Batay sa reklamo, walang dokumentong nailabas ang mga opisyal mula sa contractors na magpapatunay na mayroong technical, legal and financial competence ang ilang gusali na muling itinayo sa Guiuan