-- Advertisements --

Hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Samar Rep. Milagrosa Tan dahil sa walong counts ng kaso nitong graft.

Batay sa desisyon ng 4th Division, nakahanap ng sapat na basehan ang anti-graft court para katigan ang argumento ng prosekusyon.

Nag-ugat ang kaso ni Tan noong siya pa ang gobernador ng lalawigan matapos umanong masangkot sa maanomalyang pagbili ng emergency supplies noong 2001 na nagkakahalaga ng higit P16-milyon.

Dahil dito, sinentensyahan ang kongresista ng 62 hanggang 115-taong pagkakakulong.

Inirekomenda naman ng korte ang piyansa nito sa halagang P240,000, gayundin na panghabang buhay na disqualification sa ano mang pampublikong tanggapan.

Bukod sa kasong graft, dinidinig pa ngayon sa korte ang iba pang graft at malversation cases ng re-electionst na si Tan kaugnay ng iba’t-ibang reklamo.