BANGKOK, Thailand – Pinirmahan na ni King Maha Vajiralongkorn ang batas na nagsasa-legal sa same-sex marriage, ayon sa official Royal Gazette.
Ang batas na ito ay magiging epektibo pagkatapos ng 120 araw magmula ng ito ay pirmahan kung kaya’t maaari nang magpakasal ang mga same-sex couples sa simula ng January 2025.
Ilang taong nilaban ang batas hanggang sa makaabot ito sa House of Representatives nitong April at June lamang.
Isinabatas ang buong legal, pinansyal at medikal na karapatan para sa magka-partner, kahit ano pa mang kasarian.
Sakop din ng batas na ito ang paggamit ng gender-neutral terms at magkaroon ng kakayahan na umampon at magmana ang mga same-sex couples.
Sa kabilang banda, patuloy na tinututulan ng parlyamento ng Thailand ang pagpapalit ng gender identity sa kabila na ang bansa ay kilalang tumatanggap sa mga transgenders.
Itinituring din nito ng karamihan na “monumental step” dahil pangatlo ang Thailand sa buong Asia at kauna-unahan sa Southeast Asia na nagpasabatas ng same-sex marriage.