-- Advertisements --
Tinutulan ni Sen. Imee Marcos ang pagsasabatas ng “same sex marriage” sa Pilipinas.
Sinabi ni Marcos na hindi pa handa sa ganito ka-komplikadong hakbang ang mga Filipino at kailangan munang maging dahan-dahan.
Aniya, sa isyu ng “social change,” mas mainam na dumaan sa “baby steps” kaysa humantong sa maling desisyon na magkakaroon ng malaking impact sa lipunan.
Giit ng mambabatas, hindi siya sang-ayon sa radical na pagbabago kapag pamilya ang pinag-uusapan.
“I think masyado s’yang komplikado. When taking steps in social change, mas mainam we take little baby steps. Ayoko ng radical na kilos pag pamilya pinag-uusapan,” wika ni Marcos.