-- Advertisements --

Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay sa pagkasawi ng Samoan boxing coach na si Lionel Elika Fatupaito matapos na ito atakihin sa puso bago ang pormal opening ng Paris Olympics.

Ayon sa Samoan Olympic Committee nalagutan na ng hininga ang 60-anyos na boxing coach habang ito ay nasa Olympic village.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang International Boxing Association sa pagkasawi ni Fatupaito.

Mayroong nag-iisang boksingero ang Samoa na si Ato Plodzicki-Faoagali na lalaban sa 92 kgs. sa araw pa ng linggo ito sasabak laban kay Victor Schelstraete ng Belgium.