-- Advertisements --

Sumapit na ang taong 2021 sa ilang isla sa Pacific.

Unang nagdiwang ng New Year ang Samoa at Christmas Island pagsapit ng alas-6:00 ngayong gabi.

Makaraan ang 15 minuto ay ipinagdiwang din ng Chatham Islands sa New Zealand ang pagpasok ng taong 2021.

Ngunit taliwas sa mga nakalipas na taon, kaabang-abang kung paano ang magiging selebrasyon ng iba’t ibang bansa lalo’t hindi pa natatapos ang coronavirus pandemic.

Kung babalikan kasi, pabonggahan ang kabi-kabilang fireworks display ng iba’t ibang bansa.

Tulad sa Australia na dati ay milyong katao ang nag-aabang sa Harbour Bridge at Opera House sa Sydney para sa pagsalubong sa Bagong Taon alas-9:00 ngayong gabi (Manila time).

Kadalasan ay hindi rin nagpahuhuli ang Hong Kong, Beijing, Singapore at iba pang bansa sa Asya sa pagpapakitang gilas sa fireworks display.

Ang mga nasabing bansa kabilang ang Pilipinas ay sabay na sasalubungin ang New Year 2021 pagsapit ng alas-12:00 ng hatinggabi.

Samantala, ala-1:00 naman bukas ng hapon (Manila time) sasapit ang Bagong Taon sa New York.

Inaabangan kung masasaksihan pa rin ba ang ball drop sa tanyag na Times Square na dati ay sasabayan ng paghalikan ng mga couple.