Narekober at dinala dito sa Earth ang samples ng Asteroid Bennu na itinuturing na “most dangerous known rock sa Solar System” .
Matagumpay na nadala ng American space agency na National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang mga materyales o samples na nilagay sa capsule at nag-landing sa may West Desert ng Utah state.
Ang naturang sample ay kinuha ng Osiris-Rex spacecraft mula sa surface ng asteroid Bennu noong 2020.
Nais kasi ng NASA na mapag-aralan ang naturang object o asteroid dahil mayroon umanong tiyansa na tumama ito sa ating planeta sa sunod na 300 taon.
Maliban dito, ang mga sample ay posibleng magbigay din ng panibagong insights sa formation ng Solar System sa nakalipas na 4.6 billion taon at posible din makakuha ng impormasyon kung paano nag-umpisa ang buhay sa mundo.