ILOILO CITY – Nasamsam ng mga otoridad ang samu’t-saring armas at bala kasabay ng isinagawang search warrant implementation sa bayan ng San Lorenzo, Guimaras.
Ang mga subject ng search warrant implementation ay sina Antonio Gabalez Coronia, tubong M. Chavez, San Lorenzo na driver ni Vice Mayor Carmelina Fernandez; at Edmundo Tamagos, taga-Constancia sa nasabi ring bayan.
Kabilang sa mga nakumpiska sa bahay ni Gabalez ay ang mga sumusunod: isang hand grenade; limang live ammunition ng .45-calibre pistol; tatlong empty shells ng .45-caliber pistol; at gun accessories.
Samantala, nakuha naman sa bahay ni Tamagos ang isang unit ng .45-caliber na armas; isang unit ng .38-caliber na armas; 20mm explosives; dalawang magazine ng .45-caliber; 22 piraso ng untarted bullets ng .45-caliber pistol; at 22 piraso ng .38-caliber pistol.
Sa exclusive interview sang Bombo Radyo kay P/Cpt. Carl Stephen Lee Betansos, hepe ng San Lorenzo Municipal Police, sinabi nito na ang nasabing operasyon ay bunsod ng kanilang natanggap na impormasyon na mayroong mga de-kalibreng armas ang dalawang subject.
Inihayag din ni Bentansos na sina Gabalez at Tamagos ang itinuturong dalawa sa apat na suspek na pumatay sa Municipal Disaster Risk Reduction and Manangement Office (MDRRMO) ng San Lorenzo, Guimaras na si Exequiel Cabrieto, 58, ng Barangay Cabungahan, San Lorenzo.