KORONADAL CITY – Mas hinigpitan pa ng mga otoridad ang pagbabantay sa lalawigan ng North Cotabato matapos nakita ang ilang pampasabog, kasabay ng paggunita sa ika-11 anibersaryo ng Maguindanao massacre nitiong Lunes.
Batay sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Koronadal, nakita ng isang kasapi ng CAFGU ang mga pampasabog sa kalagitnaan ng pagpapatrol ng Joint Task Force Central sa naturang lugar, dahilan na kaagad itong nirespondehan ng mga otoridad.
Natagpuan sa naturang area ang isang 60mm mortar, 81mm mortar, at iba pang malalakas na mga pampasabog.
Kaagad nakipag-ugnayan ang Joint Task Force Central sa Explosive Ordnance Team upang tuluyang ma-defuse ang nasabing mga pampasabog.
Sa ngayon ay inaalam na ng mga otoridad kung sino o anong grupo ang may hawak sa mga bomba at kung may plano bang pasabugin ito sa ibang bahagi ng rehiyon.