-- Advertisements --
Untitled 1

Ipinamalas ng San Beda University ang kanilang matatag na depensa matapos na pabagsakin ang katunggaling Colegio de San Juan de Letran sa katatapos pa lamang na laban para buksan ang kanilang kampanya sa National Collegiate Athletic Association o NCAA Season 98 men’s volleyball tournament.

Umangat ang Red Spikers sa 24-21 na score sa ika-apat na set bago naisalba ng Letran ang dalawang match points habang sinelyuhan naman ni Ryan Rosman ang deal para sa Mendiola-based squad.

Naungusan ng San Beda ang letran sa opening set ng laban sa score na 28-26 bago masungkit ng Knights ang ikalawang set para itabla ang laro sa score na 19-25.

Hindi pumayag ang San Beda na maungusan kaya’t umarangakada ito sa ikatlo at ika-apat na set sa score na 25-22 at 25-23 dahilan upang tuluyan silang manalo.

Ang naturang paghaharap ay ginanap sa San Andres Sports Complex,Manila

Samantala, makakaharap naman ng Red Spikers ang De La Salle- College of Saint Benilde sa susunod na sabado habang makikipag bakbakan naman ang Letran Knights sa Mapua University sa Biyernes