Nagkasundo sina San Juan City Mayor Francis Zamora at Pasig City Mayor Vico Sotto na palawakin pa ang kanilang bike lane haggang Ortigas Avenue.
Ito ay matapos na kilalanin ang dalawang lungsod bilang Most Bike Friendly City sa nagdaang Mobility Awards.
Ayon sa nasabing mga alkalde na makikipag-ugnayan sila sa Local Government Unit ng Mandaluyong na sumasakop sa Ortigas Avenue.
Sa katunayan aniya ay patuloy niyang isinusulong ang paggamit ng bisikleta sa nasabing lungsod.
Naglaan ang mga ito ng mga bike lanes at bagong LED lights sa sidewalks at nagpasa na rin sila ng bike safety ordinances.
Hinikayat din ni Mayor Zamora ang mga LGU na maglaan ng bike lanes.
Magugunitang sa katatapos na First Mobility Awards binigyan ng pagkilalal bilang Most Bike-Friendly Cities ang Pasig, San Juan at Marikina.
Inilunsad ang nasabing Mobility awards ng ilang grupo na binubuo ng Institute for Climate and Sustainable City para sa 88% na naninirahan sa Metro Manila ay walang mga sasakyan.