-- Advertisements --

Nakahanda na ang lungsod ng San Juan para sa gagawing election simulation sa Oktubre 23.

Sa nasabing paraan ay malalaman kung ano ang ibang ipapatupad na hakbang sa 2022 election.

Kakaiba kasi ang darating na halalan dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic.

Bago isagawa ang simulation ay ipinaalam muna ito ng San Juan City sa Inter-Agency Task Force.

Iginiit noon ng Commission on Election ang kahalagahan ng simulation para makita kung ano ang maaaring baguhin kapag dumating na ang actual na botohan sa Mayo 9, 2022.