-- Advertisements --

Magiging matipid ang pagdiriwang ng San Juan City ng kanilang tradisyonal na Wattah Wattah Festival.

Ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, na sinabihan na niya ang kaniyang mga kababayan sa pagtitipid ng tubig dahil sa wala pa sa normal ang level ng tubig sa mga dam bunsod ng El Nino.

Nilimitahan lamang nito sa tatlong fire trucks ang lalahok kumpara noong mga nagdaang taon na mayroong 50 fire trucks.

Magtatagal lamang mula ala-7 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali ng Hunyo 24 ang nasabing tradisyunal na basahan.

Nakabantay din ang PNP, BFP at ilang mga ahensiya para matiyak na naipapatupad ang mga napagkasunduan.