-- Advertisements --

Ininspeksyon na rin ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga private cold chain facilities kung saan ilalagay ang mga COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech.

Ayon sa nasabing alkalde, may impormasyon na sila mula sa national government tungkol sa lugar kung saan ilalagay ang nasabing mga bakuna.

Aabot kasi sa 100,000 na doses ng AstraZeneca vaccine ang bibilhin ng San Juan para sa 50,000 na residente ng lungsod bukod pa sa bakuna na manggagaling sa national government.

Tiniyak ng alkalde na walang masasayang ng anumang mga bakuna na bibilhin ng gobyerno.