-- Advertisements --
image 268

Nanumpa na si San Juan City Mayor Francis Zamora bilang bagong chairman ng Regional Peace and Order Council (RPOC) ng Metro Manila sa 1st quarter meeting nito para sa 2023.

Ang oath-taking ay ginanap sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Head Office sa Pasig City.

Ang kaganapan ay dinaluhan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos at iba pang opisyal ng gobyerno.

Ipinahayag ni Zamora ang kanyang pasasalamat kay Pangulong Marcos sa kanyang pagkakatalaga sa puwesto.

Nangako itong gagawin niya ang kanyang makakaya sa pagtulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Metro Manila.

Bukod sa pagiging alkalde ng San Juan City at bagong chairman ng Regional Peace and Order Council sa NCR, nagsisilbi rin si Zamora bilang vice chairman ng Regional Development Council (RDC) at presidente ng Metro Manila Council.