-- Advertisements --

Nagbigay na ng paunang bayad ang San Juan City government para sa pagbili ng 100,000 doses ng bakuna na gawa ng British-Swedish drugmaker AstraZeneca.

Hindi naman na binanggit pa ng city government ng San Juan kung magkano ang halaga ng paunang bayad dahil mayroon silang non-disclosure agreement sa national government at ang AstraZeneca.

Sinabi ni San Juan Mayor Francis Zamora na nakahanda na sila para sa nasabing pagdating ng bakuna.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa halos 30,000 sa mga mamamayan ng San Juan ang nagpahayag ng nais na magpaturok ng COVID-19 vaccine.

Tuloy-tuloy pa rin aniya ang ginagawang pag-iikot ng City government sa bawat barangay para makuha ang listahan ng mga nais na magpaturok ng COVID-19 vaccine.