Ipinagmalaki ng lungsod ng San Juan na mayroon ng 90 percent sa kanilang mamamayan ang nabakunahan laban sa COVID-19.
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora na mayroong 100 percent ng kanilang populasyon ang naturukan na nila ng unang dose ng COVID-19 vaccine.
Dahil dito ay posible sa Agosto ay maaabot na nila ang herd immunity.
Base kasi sa taya ng Philippine Statistics Authority na mayroong mahigit 122,000 ang residente ng nasabing lungsod.
Basta walang humpay ang dating ng bakuna ay hindi malabo aniya na pagdating ng Disyembre ay lahat ng mga mamamayan nila ay nabakunahan na laban sa COVID-19.
Magugunitang unang naitala kasi sa San Juan ang unang transmission ng COVID-19 na isang 62-anyos na Filipino na madalas na bumisita sa Muslim prayer hall.
Kasabay din nito ay nakatakda nilang buksan ang bagong vaccination center na matatagpuan sa V-Mall.
Mayroon na kasing unang vaccination center ang San Juan na ito sa FilOil Flying V Center at sa Greenhills Theatre Mall cinemas.