-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni San Juan City Mayor Francis Zamora na konektado sa pulitika ang pag-aresto kay dating senador Jinggoy Estrada.

Ayon sa alkalde, na malinaw na lumabag sa quarantine protocol ang dating senador.

Ipinaggiitan nito na malayo pa halalan kaya hindi niya gawain ang mamulitika ngayon panahon ng coronavirus pandemic.

Magugunitang inimbitahan si Estrada dahil sa paglabag umano sa quarantine protocols ng namigay ito ng mga relief goods sa mga naapektuhan ng coronavirus pandemic sa San Juan.

Matapos ang ilang oras ay pinakawalan din ang dating mambabatas.