BUTUAN CITY – Pormal nang inilunsad sa publiko sa munisipalidad ng San Luis, Agusan del Sur ang binuong Task Force to End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) kasabay sa unang 100 araw ng panunungkukan sa bagong alkalde sa Barangay San Pedro sa nasabing bayan.
Ang nasabing aktibidad ay nahati sa dalawang bahagi; una ang “First 100 Days of Governance Report” sa alkalde na si Mayor Phoebe Corvera at ikalawa ang inilunsad na Municipal Task Force- ELCAC.”
Pinamunuan mismo ni Mayor Corvera ang paglunsad na naging saksi ang mga leader ng iba’t ubang cluster at nauugnay na ahensiya kasama na ang AFP at PNP, miyembro ng sangguniang bayan sa pangunguna sa vice mayor at representante galing sa provincial planning and development office.
Mayroong tatlong naitatag na clustered task forces na kinabibilangan sa Basic Services Delivery Team, Citizenship and Community Participation Team at Peace, Law Enforcement and Development Support Team.