CAUAYAN CITY- Tatlo ang panibagong nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw sa San Mateo, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Rural Health Unit (RHU) San Mateo, pawang babae ang panibagong naitalang COVID-19 positive patient.
Ang una ay isang OFW na 32 anyos at walang nararamdamang sintomas ng virus.
Ang pangalawang kaso ay isang ginang na 34 anyos, nanatili ring asymptomatic at galing sa Pasay City
Habang ang pangatlong nagpositibo sa virus ay31 anyos na ginang, walang travel history at nakakaranas ng ubo, lagnat at pangangati sa lalamunan.
Nasa COVID-19 Center na ng pamahalaang lokal ng San Mateo ang tatlong panibagong nagpositibo sa virus.
Umakyat na sa 37 ang confirmed COVID-19 positive sa San Mateo at apat na lamang ang kanilang active case.